happy 20th!

happy birthday to our best girl! ang tanda mo na, 20 ka na. sana hindi ka magbago pero kung magbabago ka man, sana ay sa ikabubuti at ikagaganda ng buhay mo. isa sa mga hinihiling ko para sa'yo ay sana maging masaya ka at matupad mo lahat ng mga inaasam-asam mo sa buhay. huwag mo na sanang sanayin sarili mo na ikimkim mo lahat ng problema mo. may mga tao nandiyan para sa'yo na handang makinig. mapapagod pero hindi susuko, laban lang nang laban sa buhay. sa bagong yugto ng buhay mo na 'to, alam kong marami kang madidiskubre at mapapagtanto sa mga iyon. kung anuman ang tatahakin mong landas na sa tingin mo makabubuti sa'yo, nandito kami para suportahan ka hanggang dulo. sulitin mo sana 'tong espesyal na araw mo para magsaya. mwa!

songs for you

una sa lahat nagpapasalamat ako sa diyos at sa magulang mo dahil nandito ka at nakilala kita. thank you for being my friend and staying with me all through the time. hangang hanga ako sa'yo dahil napaka talented mo, 'wag ka nang umangal d'yan, totoo 'yan. thank you for sharing your talent with us and you really deserve all the recognition they're giving you. don't stop sharing it ha? deserve nila na makita 'yun at i-appreciate kung gaano ka katalented. dahil nasa 20s ka na, malay mo bigla mo na lang makita yung para sa'yo at makakasama mo hanggang dulo. kung sinuman 'yun sana pasayahin ka at mahalin ka ng sapat kasi masama raw pag sobra kaya sapat lang. don't forget to enjoy your day. i'm here for you no matter what will happen. i wubble you, maevel!